GOSPEL REFLECTIONS OF POPE FRANCIS: 04/29/24 (Memorial of Saint Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church)

GOSPEL REFLECTIONS OF POPE FRANCIS: 04/29/24 (Memorial of Saint Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church)

From the Gospel according to John
Jn 14:21-26

Jesus said to his disciples:
“Whoever has my commandments and observes them
is the one who loves me.
Whoever loves me will be loved by my Father,
and I will love him and reveal myself to him.”
Judas, not the Iscariot, said to him,
“Master, then what happened that you will reveal yourself to us
and not to the world?”
Jesus answered and said to him,
“Whoever loves me will keep my word,
and my Father will love him,
and we will come to him and make our dwelling with him.
Whoever does not love me does not keep my words;
yet the word you hear is not mine
but that of the Father who sent me.

“I have told you this while I am with you.
The Advocate, the Holy Spirit
whom the Father will send in my name —
he will teach you everything
and remind you of all that I told you.”

Words of the Holy Father:

The little ones are those who, like children, feel their need and are not self-sufficient. They are open to God and allow themselves to be amazed at his works. They know how to read his signs, to marvel at the miracles of his love! I ask all of you, and even myself, do we know how to marvel at the things of God or do we take them for passing things? Brothers and sisters, if we think about it, our lives are filled with miracles. They are filled with deeds of love, signs of God’s goodness. Before these, however, even our hearts can remain indifferent and become habitual, curious but not capable of being amazed, of allowing themselves to be “impressed”. A closed heart, an armoured heart, is incapable of being amazed. To impress is a beautiful verb that brings to mind photographic film. This is the correct behaviour to have before God’s works: to take a photograph of his works in our minds so that they may be impressed in our hearts, and then developed in our lives through many good deeds, so that this “photograph” of God, who is love, becomes ever brighter in us and through us. (Angelus, 9 July 2023)

Source:
https://www.vaticannews.va/en/word-of-the-day/2024/04/29.html

Amen +

Jesus, Mary, and Joseph, be with us always until the hour of our death.

Amen. +

May the Lord + bless us, protect us from all evil and bring us to everlasting life. Amen. +

Memorial of Saint Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church:
https://mycatholic.life/saints/saints-of-the-liturgical-year/april-29-saint-catherine-of-siena-virgin-and-doctor-of-the-church/

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website on how to raise and guard children in their Catholic faith:
https://howtokeepyourkidscatholic.com/

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Espiritu ng Diyos”

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Espiritu ng Diyos”

Abril 29, 2024. Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan.

MABUTING BALITA
Juan 14, 21-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.” Tinanong siya ni Judas, hindi ang Iscariote, “Panginoon,” bakit po sa amin lamang kayo magpapakilala nang lubusan at hindi sa sanlibutan?”

Sumagot si Hesus, “Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at mananahan sa kanya. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga Salita. Hindi akin ang salitang narinig ninyo, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito samantalang kasama pa ninyo ako. Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.”

Pagninilay:

Isang mapagpalang paggunita po sa kay Santa Catalina de Siena! Ang tungkol po sa kanya ay mababasa matapos ng pagninilay na ito. Malapit na ang Pentekostes, ang pagtatapos ng Easter Season. Ito ay mangyayari sa darating na ika-19 ng Mayo ngayong taon. Kaya naman, binanggit na rin ni Hesus ang tungkol dito. Ang Patnubay, ang Espiritu Santo, ang magtuturo sa atin ng lahat ng bagay matapos umakyat ni Hesus sa Langit. Naririto tayo sa panahon na ito ng Espiritu Santo. Humihingi kaya tayo ng Kanyang gabay? Siya ay nananahan sa atin. Tayo ay Kanyang templo mula noong tayo ay binyagan. Tuwing tayo ay mag-isa, hindi talaga tayo nag-iisa sapagkat kasama natin ang Diyos. Maari natin Siyang kausapin sa katahimikan ng ating mga puso.

Kaya naman, ngayong Easter Season ay isang nakapagandang oportunidad para magkaroon ng debosyon sa Espiritu Santo. Siya ang magtuturo sa atin ng tamang gawin. Siya ang magpapalakas ng ating loob na piliin ang mabuti at labanan ang tukso tuwing nanghihina tayo. Siya ang magbibigay ng karunungan sa lahat ng gawain natin kung hihingiin natin ito. Siya ang lagi nating kasama hanggang sa tayo ay makabalik sa Ama kasama ni Hesus sa Eukaristiya.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Tungkol kay Santa Catalina de Siena: https://wp.me/p1aR0t-eD

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

REMAIN IN GOD: 04/28/24 (Fifth Sunday of Easter)

REMAIN IN GOD: 04/28/24 (Fifth Sunday of Easter)

Gospel
Jn 15:1-8
Jesus said to his disciples:
“I am the true vine, and my Father is the vine grower.
He takes away every branch in me that does not bear fruit,
and every one that does he prunes so that it bears more fruit.
You are already pruned because of the word that I spoke to you.
Remain in me, as I remain in you.
Just as a branch cannot bear fruit on its own
unless it remains on the vine,
so neither can you unless you remain in me.
I am the vine, you are the branches.
Whoever remains in me and I in him will bear much fruit,
because without me you can do nothing.
Anyone who does not remain in me
will be thrown out like a branch and wither;
people will gather them and throw them into a fire
and they will be burned.
If you remain in me and my words remain in you,
ask for whatever you want and it will be done for you.
By this is my Father glorified,
that you bear much fruit and become my disciples.”

Reflection:

We can’t do anything without God. We may not often remember this because we breathe without thinking about it, but even our breath is a gift from God. It is also in accordance with His will if it stops. All the food we eat, whether from the land or animals, are all His creations. Even if we buy it, cook it, and season it, it still comes from God.

Brothers and sisters, when it comes to big things in life, why do people often think they can handle it alone? It’s more natural for people to think that they can depend on their abilities in doing any task than to think that everything can be done with God’s help. But the Lord said, “I am the vine, you are the branches. Whoever remains in me and I in him will bear much fruit, because without me you can do nothing.”

We are part of God. We are His face, hands, and feet here on earth. It’s our duty to do His will and to always pray before eating and before anything we do. Even if we seek happiness in the world, we won’t find it except in fulfilling the unique mission prepared by God for each one of us. The pleasures of the world are only temporary, but we weren’t created for passing things. In the depths of our true hearts lies the desire to be with God here on earth until Heaven. He alone can fill the void inside our hearts.

Whatever mission we have from God, it’s unique to each one of us, and no one else can fulfill it except that person to whom God entrusted it to. Let’s pray to find the purpose for which God created us, which is His will – what is good, pleasing, and perfect. Amen. +

May we believe and continuously ponder on this. Amen. +

May our Loving and Almighty God bless us, and may He defend us against temptations and evil now and forever. Amen. +

Reflection by: FMMJ
Translation by: CJTH
Source:
https://bible.usccb.org/bible/readings/042824.cfm

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website on how to raise and guard children in their Catholic faith:
https://howtokeepyourkidscatholic.com/

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Manatili sa Diyos”

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Manatili sa Diyos”

Abril 28, 2024. Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

MABUTING BALITA
Juan 15, 1-8
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga; at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga upang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo. Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayun din naman, hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin. Ang hindi nananatili sa akin ay itatapon at matutuyo, gaya ng sanga. Ang gayong mga sanga ay titipunin at susunugin. Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang salita ko, hingin ninyo ang inyong maibigan, at ipagkaloob sa inyo.

Napararangalan ang Ama kung kayo’y namumunga nang sagana at sa gayo’y napatutunayang mga alagad ko kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Linggo po sa ating lahat! Wala tayong magagawa kung wala ang Diyos. Marahil hindi natin ito madalas maalala sapagkat nakakahinga tayo nang hindi ito iniisip subalit maging ang ating paghinga ay kalooban ng Diyos. Kalooban din Niya kung ito’y titigil na. Ang lahat ng ating kinakain na bunga ng lupa at mga hayop ay pawang mga likha Niya. Binili man ito, niluto at nilagyan ng rekado, ito pa rin ay mula sa Diyos.

Kaya nga, mga kapatid, pagdating sa mga malalaking bagay sa buhay, bakit kaya madalas maisip ng tao na kaya niyang mag-isa?
Mas natural sa tao na isiping nakadepende sa kanyang kakayanan ang anumang gawain kaysa isiping ang lahat ay nagagawa at magagawa sa tulong ng Diyos.

Subalit ang Panginoon na ang nagsabi, “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.”

Tayo ay bahagi ng Diyos. Tayo ang Kanyang mukha, kamay at paa dito sa lupa. Tungkulin nating gawin ang Kanyang kalooban at laging manalangin tuwing bago kumain at sa bawat gawain. Hanapin man natin sa mundo ang makakapagsaya sa atin, hindi natin ito matatagpuan kundi sa pagtupad ng natatanging misyong inihanda ng Diyos para sa bawat isa. Panandaliang aliw lamang ang alay ng mundo subalit hindi tayo nilikha para sa mga lumilipas na bagay. Sa kaibuturan ng ating tunay na puso ay ang hangarin makasama at makaisa ang Diyos dito hanggang sa Langit. Siya ang tanging makakapuno ng anumang puwang sa ating puso.

Kung ano man ang misyon natin mula sa Diyos, iyon ay epesyal sa bawat isa, walang makagagawa noon kundi ang tao lang na iyon. Hilingin nating matagpuan natin kung para saan tayo nilikha ng Diyos na Kanya ring kalooban na mabuti, kalugud-lugod at ganap.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

GOSPEL REFLECTIONS OF POPE FRANCIS: 04/27/24 (Saturday of the Fourth Week of Easter)

GOSPEL REFLECTIONS OF POPE FRANCIS: 04/27/24 (Saturday of the Fourth Week of Easter)

From the Gospel according to John
Jn 14:7-14

Jesus said to his disciples:
“If you know me, then you will also know my Father.
From now on you do know him and have seen him.”
Philip said to Jesus,
“Master, show us the Father, and that will be enough for us.”
Jesus said to him, “Have I been with you for so long a time
and you still do not know me, Philip?
Whoever has seen me has seen the Father.
How can you say, ‘Show us the Father’?
Do you not believe that I am in the Father and the Father is in me?
The words that I speak to you I do not speak on my own.
The Father who dwells in me is doing his works.
Believe me that I am in the Father and the Father is in me,
or else, believe because of the works themselves.
Amen, amen, I say to you,
whoever believes in me will do the works that I do,
and will do greater ones than these,
because I am going to the Father.
And whatever you ask in my name, I will do,
so that the Father may be glorified in the Son.
If you ask anything of me in my name, I will do it.”

Words of the Holy Father:

The Father was always present in Jesus’s life , and Jesus spoke about Him. Jesus prayed to the Father. And many times, He spoke about the Father who cares for us, as He cares for the birds, the lilies of the field… the Father. And when the disciples asked to learn how to pray, Jesus taught them to pray to the Father: “Our Father” (Mt 6:9). He always addresses the Father. But in this passage it is very strong; it is also as if He opened the doors of the omnipotence of prayer. “Because I am with the Father: ask me and I will do anything. Because the Father will do it with me” (see Jn 14:11). This trust in the Father, trust in the Father who is capable of doing everything, this courage to pray, because it takes courage to pray! It takes the same courage, the same boldness it takes to preach: the same. (…)

Prayer must take first place. Then the other things. But when the other things take away space from prayer, then something is not right. And prayer is strong because of what we have heard in the Gospel of Jesus. It is “because I am going to the Father. And I will do whatever you ask in my name, so that the Father may be glorified in the Son” (Jn 14:12-13). Thus the Church progresses in prayer, in the courage of prayer because the Church knows that without this ascent to the Father, she cannot survive. (Santa Marta, 10 May 2020)

Source:
https://www.vaticannews.va/en/word-of-the-day/2024/04/27.html

Amen +

Jesus, Mary, and Joseph, be with us always until the hour of our death.

Amen. +

May the Lord + bless us, protect us from all evil and bring us to everlasting life. Amen. +

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website on how to raise and guard children in their Catholic faith:
https://howtokeepyourkidscatholic.com/

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagiging Kristo sa Iba”

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagiging Kristo sa Iba”

Abril 27, 2024. Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

MABUTING BALITA
Juan 14, 7-14
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung ako’y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.”

Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami.” Sumagot si Hesus, “Matagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyata’t hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin?

Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasa-akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Sabado po sa ating lahat! Nakaluluwag sa pakiramdam at nakakapanatag ng loob na marinig ang sinabi ni Hesus, “Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko.” Dahil tayo’y bininyagan, hindi na tayo mga alipin kundi mga anak ng Diyos. Maari nating hilingin ang anumang nais natin sa Diyos tulad ng isang anak sa kanyang magulang. Subalit tulad din ng isang mabuting magulang, hindi maaring laging ibigay ng Diyos ang lahat lahat na ating naisin sa eksatong paraang gusto natin sapagkat maari tayong magkamali. Maaring ang iniisip nating mabuti, maganda at pinakamainam sa atin ay hindi pala iyon.

Kapalit nito, magkaroon man tayo ng katanungan at hindi man ito maunawaan sa umpisa sa pagkakataong ganoon, binibigay pa rin ng Diyos ang ating hiniling at higit pa rito. Sa ganitong sitwasyon, maghintay man tayo at maisip nating tila hindi sinasagot ng Diyos ang ating dasal, maya-maya, makikita natin kung paano sinagot ng Diyos ang ating panalangin. Minsan, hindi man ang eksaktong ating hiling, ngunit mas maganda pa kaysa sa ating naisip. Minsan naman, ibinibigay ng Diyos ang mismong hiningi natin dahil tunay itong makabubuti para sa atin. Minsan naman, ang sagot Niya pala ay kailangan muna nating maghintay.

Sa lahat ng pananalanging ito, ang kailangan natin ay matibay na tiwala sa Diyos at hindi napapatid na pag-asa sa Kanya. Ito ang tulay na magtatawid sa atin sa gusto nating patunguhan.
Si Hesus ang tanging ating Daan sa Ama at sa tunay na masaganang buhay. Ang Ama at ang Panginoong Hesus ay iisa. Tayo naman ay nagiging isa kasama ng Ama at Anak sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Kailangang makita ito, na ang Diyos ay nananahan sa atin, hindi lang dahil nabinyagan tayo at tapos na iyon. Hindi po, dahil mayroon tayong obligasyon at misyon ngayon na ipakita at ipakilala ang Diyos sa iba sa pamamagitan ng mabubuting gawa. Kailangang maranasan at maramdaman ng ibang tao ang Diyos sa atin sa pagmamalakasakit at magandang turing natin sa iba lalo sa mga taong hindi maganda ang turing sa atin at ang ugali. Sa ating pagpapatawad, pagbibigay, pagsasakripisyo at pagtindig sa tama, nakikilala tayong mga tunay na anak ng Diyos. Hindi lang dahil sa pangalan ngunit dahil umaakto tayo na kapareho ni Kristo na ating Panginoon. Ang lahat ay dahil sa pag-ibig.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

GOSPEL REFLECTIONS OF POPE FRANCIS: 04/26/24 (Friday of the Fourth Week of Easter)

GOSPEL REFLECTIONS OF POPE FRANCIS: 04/26/24 (Friday of the Fourth Week of Easter)

From the Gospel according to John
Jn 14:1-6

Jesus said to his disciples:
“Do not let your hearts be troubled.
You have faith in God; have faith also in me.
In my Father’s house there are many dwelling places.
If there were not,
would I have told you that I am going to prepare a place for you?
And if I go and prepare a place for you,
I will come back again and take you to myself,
so that where I am you also may be.
Where I am going you know the way.”
Thomas said to him,
“Master, we do not know where you are going;
how can we know the way?”
Jesus said to him, “I am the way and the truth and the life.
No one comes to the Father except through me.”

Words of the Holy Father:

Brothers and sisters, this Word is a source of consolation, and it is a source of hope for us. Jesus did not separate himself from us, but rather opened the way for us, anticipating our final destination: the encounter with God the Father, in whose heart there is a place for each one of us. So, when we experience fatigue, bewilderment and even failure, let us remember where our life is headed. We must not lose sight of the destination, even if today we run the risk of overlooking it, of forgetting the final questions, the important ones: where are we going? Where are we headed? What is worth living for? Without these questions, we flatten our life only into the present. We think we must enjoy it as much as possible and end up living day by day, without purpose, without a goal. Instead, our homeland is in heaven (cf. Phil 3:20); let us not forget the greatness and the beauty of our destination!

Once we have discovered the destination, we too, like the apostle Thomas in today’s Gospel, wonder: how can we get there? What is the way? At times, especially when there are major problems to face and there is the sensation that evil is stronger, we wonder: what should I do, what path should I follow? Let us listen to Jesus’ answer: “I am the way, and the truth, and the life” (Jn 14:6). “I am the way”. Jesus himself is the way to follow to live in truth and to have life in abundance. He is the way and therefore faith in him is not a “package of ideas” in which to believe, but rather a road to be travelled, a journey to undertake, a path with him. It is following Jesus, because he is the way that leads to unfailing happiness. Following Jesus and imitating him, especially with gestures of closeness and mercy towards others. This is the compass for reaching Heaven: loving Jesus, the way, becoming signs of his love on earth. (Regina Caeli, 7 May 2023)

Source:
https://www.vaticannews.va/en/word-of-the-day/2024/04/26.html

Amen +

Jesus, Mary, and Joseph, be with us always until the hour of our death.

Amen. +

May the Lord + bless us, protect us from all evil and bring us to everlasting life. Amen. +

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website on how to raise and guard children in their Catholic faith:
https://howtokeepyourkidscatholic.com/

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Hesus, Ating Daan, Katotohanan at Buhay”

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Hesus, Ating Daan, Katotohanan at Buhay”

Abril 26, 2024. Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

MABUTING BALITA
Juan 14, 1-6
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayun, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” Sumagot si Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Biyernes po sa ating lahat! Ang Panginoong Hesus ang Daan, Katotohanan at Buhay. Malamang ay narinig na po natin ito ng mga ilang beses subalit lagi pa rin itong magandang pagnilayan ngayon dahil may bagong mensahe ang Diyos kada pagninilay. Marami ang mga nagsilabasang sila raw ang propeta at mga sinugo ng Diyos ngunit kung ang tinuturo at iniaangat nila ay ang kanilang sarili hindi ang Diyos, ito’y walang kabuluhan. Ibig sabihin, hindi totoo ang sinasabi nila. Sa lahat ng tao, walang sinuman ang maaring magsabi na siya ang daan, katotohanan at buhay. Diyos lang ang maaring makapagsabi nito.

Si Hesus ay ang ating Daan dahil Siya ang tagapamagitan natin sa Ama. Siya ang ating “Kuya” o nakatatandang kapatid, ang bagong Adan na perpekto na nagbabalik sa ating mga nawawala sa Ama. Ang mga santo at ang mga banal ay dumaan din sa Kanya kaya nakapunta sa Ama at nakarating sa Langit. Tayo rin ay magiging banal sa pamamagitan lamang ng pakikinig ng Kanyang salita at pagsasabuhay nito. Kung ano ang sinabi ni Hesus sa Bibliya at tinuturo ng Simbahang Kanyang itinatag, iyon ang kailangan nating gawin upang makabalik sa Ama.

Kung marami na tayong iba’t ibang kaalaman sa mundo, bakit hindi natin sikaping aralin ang mga utos ng Diyos nang makamit natin ang buhay na walang hanggan?

Si Hesus ang Katotohanan. Iisa lamang ito. Ang Kanyang Simbahang itinatag, ang Simbahang Katolika, ang nag-iingat ng yaman na ito. Siya ang bumuo ng Bibliya bago ito kunin, bawasan at gamitin ng iba. Kumpara sa mga sektang gumagamit nito, ang Simbahang Katoliko ang may hawak ng buong katotohanan. Siya ang tunay na may awtoridad upang ituro kung ano ang tunay na ibig sabihin ng mga sinasabi sa Banal na Kasulatan dahil sa Kanya ito nagmula. Walang nasusulat sa mismong Bibliya na naparito si Hesus para sumulat ng Bibliya.

Nakalagay doon kung paano Niya sinimulan ang Simbahan ayon sa mga testigo na pawang mga Katoliko. Ang mga ibang relihiyong hindi Katoliko na nagsasabing sila raw ay Kristiyano ay may iba’t ibang tagapagtatag, bunga ng paghihimagsik at pag-alis sa simbahan gamit ang sariling katuruan, hindi ng Diyos. Ang mga apostol ay pawang mga obispo. Si San Pedro ang unang santo papa na sinundan mapagsahanggang ngayon ni Papa Francisco, mula pa noong una.

Si Hesus ang Buhay. Sa Kanya galing ang lahat ng ating buhay. Ang Ama ay lumikha sa pamamagitan ni Hesus na Kanyang Salita. Siya rin ang ating buhay na walang hanggan. Sa Kanya rin natin matatagpuan ang ganap at masaganang buhay dito sa lupa. Tungkulin nating idiskubre ang plano ng Diyos sa buhay natin at magawa ito. Kaya maraming mga taong nalulungkot ay dahil hindi nila alam ang plano ng Diyos sa kanilang buhay at tuluyang napapariwara ng landas.

Kung isa tayo sa mga taong nakasusunod sa Diyos, at may relasyon sa Kanya, tungkulin nating akayin ang mga taong ito pabalik kay Hesus. Kung isa naman tayo sa mga taong nalilito, subukan nating manalangin nang manalangin at lumapit sa Diyos nang taos-puso. Tiyak, hindi Niya tayo tatanggihan. Pakakalmahin Niya ang ating balisang puso at higit sa lahat, ipapakilala Niya ang Kanyang sarili sa atin. Nawa’y maging handa rin tayong makilala Siya sa pamamagitan din ng Kanyang grasya. Amen.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Katotohanang Nagliligtas”

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Katotohanang Nagliligtas”

Abril 24, 2024. Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir.

MABUTING BALITA
Juan 12, 44-50
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, malakas na sinabi ni Hesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito.

May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya’t ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Miyerkules po sa ating lahat! Ang naniniwala kay Hesus ay naniniwala sa Ama na nagsugo sa Kanya. Iisa ang Diyos ngunit Tatlong Persona, Ama, Anak at Espiritu Santo. Iisa lamang ang katotohanan at hindi ito mababago kaya ang sinumang magsabi na si Hesus ay hindi Diyos, bagamat Siya’y Anak ng Diyos, ay ang mga taong sinungaling.

Kaya naman, higit sa kahit kanino pa, dapat alam natin ang ating pananamapalataya. Kung ano man ang sabihin ng mga sekta, may pananggalang tayo dahil alam natin kung ano ang totoo. Bilang tupa ng Diyos, hindi tayo maliligaw. Ang mga naliligaw dahil sa kasinungalingan ng iba ay kulang sa kaalaman at tatag ng pananalig. Ang mga nananatili sa kawan ay nakikinig sa Pastol na nagpapahayag ng Katotohanan at Mabuting Balita. Ang pagtalikod nag-iisang tunay na iglesiya, ang Simbahang Katolika, na itinatag ng Diyos ay pagtalikod din sa Kanya bagamat hindi lahat ay hahatulan habang nandirito pa sa mundo.

Habang tayo’y nabubuhay dito, binibigyan tayo lagi ng pagkakataon ng Diyos upang maging mabuti. Kaya nga laging mayroong kumpisal at maari tayong mapatawad at malinis sa ating mga kasalanan tuwing tinatanggap ang sakramentong ito. Binibigay ng Diyos ang lahat ng grasya sa lahat ng tao upang malaman nila ang totoo, kaya lamang, mismong tao rin ang tumatanggi sa katotohanang ito.

Darating ang araw ng paghuhusga. Isa sa ating pagkamatay at isa sa wakas ng mundo. Habang naririto, mayroon pa tayong panahon para alamin, aralin at isabuhay ang Mabuting Balita. Maglingkod tayo sa Simbahan, makinig tayo sa Diyos kung ano ang plano Niya para sa atin sa pananalangin at igugol natin ang ating oras at lakas para sa Kanya. Kung gagawin natin ito, iwanan man natin ang lahat para sa Diyos, Simbahan at kapwa, wala

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Katotohanang Nagliligtas”

Abril 24, 2024. Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir.

MABUTING BALITA
Juan 12, 44-50
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, malakas na sinabi ni Hesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito.

May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya’t ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Miyerkules po sa ating lahat! Ang naniniwala kay Hesus ay naniniwala sa Ama na nagsugo sa Kanya. Iisa ang Diyos ngunit Tatlong Persona, Ama, Anak at Espiritu Santo. Iisa lamang ang katotohanan at hindi ito mababago kaya ang sinumang magsabi na si Hesus ay hindi Diyos, bagamat Siya’y Anak ng Diyos, ay ang mga taong sinungaling.

Kaya naman, higit sa kahit kanino pa, dapat alam natin ang ating pananamapalataya. Kung ano man ang sabihin ng mga sekta, may pananggalang tayo dahil alam natin kung ano ang totoo. Bilang tupa ng Diyos, hindi tayo maliligaw. Ang mga naliligaw dahil sa kasinungalingan ng iba ay kulang sa kaalaman at tatag ng pananalig. Ang mga nananatili sa kawan ay nakikinig sa Pastol na nagpapahayag ng Katotohanan at Mabuting Balita. Ang pagtalikod nag-iisang tunay na iglesiya, ang Simbahang Katolika, na itinatag ng Diyos ay pagtalikod din sa Kanya bagamat hindi lahat ay hahatulan habang nandirito pa sa mundo.

Habang tayo’y nabubuhay dito, binibigyan tayo lagi ng pagkakataon ng Diyos upang maging mabuti. Kaya nga laging mayroong kumpisal at maari tayong mapatawad at malinis sa ating mga kasalanan tuwing tinatanggap ang sakramentong ito. Binibigay ng Diyos ang lahat ng grasya sa lahat ng tao upang malaman nila ang totoo, kaya lamang, mismong tao rin ang tumatanggi sa katotohanang ito.

Darating ang araw ng paghuhusga. Isa sa ating pagkamatay at isa sa wakas ng mundo. Habang naririto, mayroon pa tayong panahon para alamin, aralin at isabuhay ang Mabuting Balita. Maglingkod tayo sa Simbahan, makinig tayo sa Diyos kung ano ang plano Niya para sa atin sa pananalangin at igugol natin ang ating oras at lakas para sa Kanya. Kung gagawin natin ito, iwanan man natin ang lahat para sa Diyos, Simbahan at kapwa, wala tayong pagsisisihan sa huli.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Tupa ng Diyos”

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Tupa ng Diyos”

Abril 23, 2024. Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o kaya Paggunita kay San Adalberto, obispo at martir
o kaya Paggunita kay San Jorge, martir.

MABUTING BALITA
Juan 10, 22-30
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Taglamig na noon. Kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng templo. Naglalakad si Hesus sa templo, sa Portiko ni Solomon. Pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami pag-aalinlanganin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo na nang tiyakan.” Sumagot si Hesus, “Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong maniwala. Ang mga ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama ay nagpapatotoo tungkol sa akin.

Ngunit ayaw ninyong maniwala, sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma’y di sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin, ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Pagninilay:

Isang mapagpalang Martes po sa ating lahat! Ang mga tao’y tinatanong si Hesus kung Siya ba ang Mesiyas subalit kung naniniwala sila, hindi na kailangang magtanong. Napakarami nang ginawa ni Hesus na mga himala at sa Kanyang pangangaral at pagpapahayag ni Juan Bautista malalaman na ng mga tao kung sino Siya. Kaya, hindi lahat ng nakaririnig ay umiintindi. Kung tayo’y nagbabasa at nakikinig, dapat ito’y naiintindihan natin para maisabuhay.

Ganito ang tunay na tupa ng Diyos, nakikinig sila at sumusunod. Hindi makakasunod kung hindi naiintindihan. Kailangan nating humiling ng gabay ng Espiritu Santo upang maipaunawa sa atin ang Salita ng Diyos. Kailangan din natin ng lakas mula sa Kanya upang maipagpatuloy na magawa ang mabuti, hindi ang masama sa araw-araw. Sa huli, kailangan natin ng awa ng Diyos, upang kahit madapa tayo ay makababangon muli at sikaping gumawa ulit ng mabuti sa mga susunod na pagkakataon.

Ang tatlong bagay na iyan ang kailangan ng isang tunay na tupa ng Diyos upang hindi siya mawala. Ang tao’y naliligaw ng landas kung siya’y gumagawa ng sariling desisyon at sinusunod lamang ang sariling kagustuhan Niya. Ngunit kung ang tao’y tunay na matutong manalangin mula sa puso, mapapakinggan Niya ang Diyos sa plano Niya at gusto Niyang sabihin hindi man sa literal na boses kundi sa iba’t ibang paraan. Hindi mawawala ang tupang marunong makinig at magpasaDiyos ng mga bagay sa buhay dahil Diyos ang mag-aalaga sa Kanya.