GOSPEL REFLECTIONS OF POPE FRANCIS: 05/04/24 (Saturday of the Fifth Week of Easter)

GOSPEL REFLECTIONS OF POPE FRANCIS: 05/04/24 (Saturday of the Fifth Week of Easter)

From the Gospel according to John
Jn 15:18-21

Jesus said to his disciples:
“If the world hates you, realize that it hated me first.
If you belonged to the world, the world would love its own;
but because you do not belong to the world,
and I have chosen you out of the world,
the world hates you.
Remember the word I spoke to you,
‘No slave is greater than his master.’
If they persecuted me, they will also persecute you.
If they kept my word, they will also keep yours.
And they will do all these things to you on account of my name,
because they do not know the one who sent me.”

Words of the Holy Father:

“The way of the Christians is the way of Jesus,” he said. “If we want to be followers of Jesus, there is no other way: none other than that, which He indicated to us – and one of the consequences of this is hatred – it is the hatred of the world, and also the prince of this world. The world would love that which belongs to it. [But Jesus tells us], ‘I have chosen you, from the world’: it was precisely He, who rescued us from the world, who chose us – pure grace! With His death, His resurrection, He redeemed us from the power of the world, from the power of the devil, from the power of the prince of this world. The origin of the hate [we experience], then is this: that we are saved. It is that prince who does not want that we should have been saved, who hates.” (Santa Marta, 4 May 2013)

Source:
https://www.vaticannews.va/en/word-of-the-day/2024/05/04.html

Amen +

Jesus, Mary, and Joseph, be with us always until the hour of our death.

Amen. +

May the Lord + bless us, protect us from all evil and bring us to everlasting life. Amen. +

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website on how to raise and guard children in their Catholic faith:
https://howtokeepyourkidscatholic.com/

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pamumuhay sa Langit”

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pamumuhay sa Langit”

Mayo 4, 2024. Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

MABUTING BALITA
Juan 15, 18-21
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin bago sa inyo. Kung kayo nga’y sa sanlibutan, iibigin kayo nito bilang kanya. Ngunit yamang hindi kayo sa sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, ito’y napopoot sa inyo. Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa kanyang panginoon. Kung ako’y inusig nila, uusigin din nila kayo; kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang salita ninyo. Ngunit ang lahat ng ito’y gagawin nila sa inyo dahil sa akin, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagsugo sa akin.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Unang Sabado po sa ating lahat! Gawin po natin ang debosyon sa unang sabado ayon sa bilin ng Mahal na Birhen ng Fatima. Mababasa po ang mga detalye sa link na ito: https://bit.ly/4drdZc3.

Magkaiba ang pananatili sa mundo at sa Diyos. Kapag pinili nating maging kaisa ng mundo, hindi tayo magiging kaisa ng Diyos. Ang mundo ay nagtuturong ituon sa sarili ang interes ngunit ang Diyos ay puro pagbibigay ang ipinahahayag.

Ang mundo ay nagpapakita ng tila mga nakakaaliw at magagandang bagay para sa sarili ngunit hindi ito magtatagal. Ang tanging magtatagal lamang na madadala natin hanggang sa buhay na walang hanggan ay ang pag-ibig na binigay natin sa Diyos at sa kapwa. Iyong mga mabubuting gawa na mula sa pag-ibig na ito. Ito lang ang tanging mahalaga. Kaya naman, mamimili tayo sapagkat ang paglilingkod ay may kaakibat na sakripisyo. Samantalang ang mundo’y nagtuturo na mahalaga lamang ang sarili, ang mga ebanghelyo ay nagsasabing kalimutan natin ang sarili upang makapaglingkod at makapagbigay sa kapwa. Taliwas ang sinasabi nila kaya dapat iisa lamang ang ating pipiliin.

Kung gusto nating makapunta sa Langit, may mga sakripisyo tayong kailangang gawin. Isang kasinungalingan na isiping awtomatikong pupunta ang mga tao roon pagkamatay dahil sila ay mabait. Ang hinahanap ng Diyos ay kabutihang tunay na nakikita sa gawa, mula sa puso at ayon sa ebanghelyo Niya. Ang maglingkod at magbigay dahil sa pagmamahal sa kapwa na hindi tayo mababayaran pabalik, ang pagpapatawad sa mga kaaway at paghingi ng tawad sa mga taong ating nasaktan, ang pagbabago at pagiging mababa ang loob sa Diyos at kapwa, kapag nagawa natin ang lahat ng ito kasama ng Diyos nang tinatanggap ang mga sakramento ng kumpisal at Banal na Eukaristiya tuwing Linggo, makararating tayo sa pangako ng Diyos sa atin na paraiso.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications