ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Pag-ibig at Pagpapatawad”

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Pag-ibig at Pagpapatawad”

Setyembre 17, 2020. Huwebes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon.

UNANG PAGBASA
1 Corinto 15, 1-11
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

At ngayo’y ipinaaalaala ko sa inyo, mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang ebanghelyo na inyong tinanggap at naging saligan ng iyong pananampalataya. Sa pamamagitan nito’y naliligtas kayo, kung matatag kayong nananangan sa salitang ipinangaral ko sa inyo – liban na nga lamang kung kayo’y sumampalataya na di iniisip ang inyong sinampalatayanan.
Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang aral na tinanggap ko rin: si Kristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa nasasaad sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan; at siya’y napakita kay Pedro, saka sa Labindalawa. Pagkatapos, napakita siya sa mahigit na limandaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila’y buhay pa hanggang ngayon, bagamat patay na ang ilan. At napakita rin siya kay Santiago, saka sa mga apostol na sama-sama noon.

Sa kahuli-huliha’y napakita rin siya sa akin – bagamat ako’y tulad ng batang ipinanganak nang di-kapanahunan. Sapagkat ako ang pinakahamak sa mga apostol; ako’y di karapat-dapat tawaging apostol, sapagkat inusig ko ang simbahan ng Diyos. Ngunit dahil sa kagandahang-loob niya, ako’y naging apostol, at hindi naman nawalan ng kabuluhan ang kaloob niyang ito sa akin. Nagpagal ako nang higit kaysa kaninuman sa kanila, bagamat hindi ito sa sarili kong kakayanan kundi sa tulong ng Diyos sa akin. Kaya’t maging ako o sila – ito ang ipinangangaral namin, at ito ang pinananaligan ninyo.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 117, 1-2. 16ab-17. 28
Butihing Poo’y purihin pag-ibig n’ya’y walang maliw.
O kaya: Aleluya.
O pasalamatan
ang Panginoong Diyos, pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas.”
Butihing Poo’y purihin pag-ibig n’ya’y walang maliw.
Ang lakas ng Poon
ang siyang nagdulot ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing
di ako papanaw, mabubuhay ako upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.
Butihing Poo’y purihin pag-ibig n’ya’y walang maliw.
Ikaw ay aking Diyos,
kaya naman ako’y nagpapasalamat;
ang pagkadakila mo ay ihahayag.
Butihing Poo’y purihin pag-ibig n’ya’y walang maliw.

ALELUYA
Mateo 11, 28
Aleluya! Aleluya!
Kayong mabigat ang pasan
ay kay Hesus maglapitan
upang kayo’y masiyahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 7, 36-50
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, inanyayahan si Hesus ng isa sa mga Pariseo upang makasalo niya. Pumaroon siya sa bahay nito at dumulog sa hapag. Sa bayan namang yaon ay may isang babae na kilalang makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo, kaya’t nagdala siya ng pabangong nasa sisidlang alabastro. At lumapit siya sa likuran ni Hesus, sa gawing paanan. Siya’y nanangis at nabasa ng kanyang luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinagkan, at pinahiran ng pabango. Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Hesus, nasabi nito sa sarili, “Kung talagang propeta ang taong ito, alam niya kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kanya — isang makasalanan!” Bilang tugon sa iniisip ni Simon, sinabi ni Hesus, “Simon, may sasabihin ako sa iyo.” Sumagot siya, “Ano po iyon, Guro?” Sinabi ni Hesus, “May dalawang taong nanghiram sa isang nagpapautang; ang isa’y limandaang denaryo at ang isa nama’y limampu.

Nang hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sino sa kanilang ang lalong nagmamahal sa nagpautang?” Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po’y ang pinatawad ng malaking halaga.” “Tama ang sagot mo,” ang tugon ni Hesus. Nilingon niya ang babae, at sinabi kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit binasa niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ng kanyang buhok. Hindi mo ako hinagkan, ngunit siya, mula nang pumasok siya ay hindi tumigil sa paghalik sa aking mga paa. Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo, subalit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa. Kaya’t sinasabi ko sa iyo, ang malaking pagmamahal na ipinamamalas niya ang nagpapatunay na ipinatawag na ang marami niyang kasalanan; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti lang ang pagmamahal na ipinamamalas.”

Saka sinabi sa babae, “Ipinatawad na ang iyong mga kasalanan.” At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili, “Sino ba itong pati pagpapatawad sa kasalanan ay pinangangahasan?” Ngunit sinabi ni Hesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananalig; yumaon ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Huwebes po sa ating lahat!
Isang tagpo na talaga namang nakakaantig ng damdamin kung saan ang makasalanang babae pa ang pinarangalan ng ating Panginoon sa ating Ebanghelyo ngayon. Hindi dahil sa kanyang pagkamakasalanan ngunit dahil sa napakalaking pagmamahal na ipinapakita niya matapos niyang mapatawad sa kanyang mga kasalanan. Tayo rin mga kapatid ay maaring maging ganito. Sa kabila ng pagkamakasalanan natin ay tinatawag tayo ng Diyos upang magbago. Inaanyayahan Niya tayong mas lumapit pa sa Kanya at ibuhos ang pabango ng ating pag-ibig sa Kanya. Mahal na mahal tayo ng Diyos at balewala sa Kanya ang ating kasalanan kung tatalikuran natin ito nang buong buo at magsisimulang muli kasama Niya.

Madalas kasi ay hinuhusgahan na agad natin ang mga makasalanan bilang hindi karapat-dapat sa Diyos. Hindi tayo marunong magpakita ng awa kaya gayon din ang ating trato sa ating mga sarili. Subalit ang Diyos ay nahihigitan ang lahat ng tao sa Awa. Higit pa sa lahat ng ating kasalanan ang Kanyang awa at hindi natin ito mauubos. Gusto Niyang lumapit tayo sa Kanya. Oo, ang mas lumapit sa Kanya ang sinumang makasalanan. Mas makasalanan ay mas kailangan ng Diyos. Kaya mga kapatid, huwag tayo manghusga ng kapwa at nang hindi rin tayo mahusgahan maging ng ating sarili. Huwag tayong mahiya sa Diyos sapagkat Siya ay naghihintay sa atin. Gustong gusto Niya tayong makasamang muli at magbagong buhay kasama Niya. Walang nahuhuli o nauuna. Ang Kanyang oras ay perpekto at tama sa lahat ng oras. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margaret DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Tulungan ninyo po kaming ipahayag ang Salita ng Diyos! Salamat po and God bless!

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Matibay na Pundasyon”

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Matibay na Pundasyon”

Setyembre 12, 2020. Sabado ng Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon.

UNANG PAGBASA
1 Corinto 10, 14-22
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga pinakamamahal, huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyusan. Ganito ang sinasabi ko sa inyo, sapagkat kayo’y matatalino; kayo na ang humatol. Hindi ba’t ang pag-inom natin sa kalis ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Kristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinagpipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan? Kaya nga, yamang isa lamang ang tinapay, tayo’y iisang katawan bagamat marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay.

Tingnan ninyo ang bansang Israel: hindi ba’t ang mga kumakain ng mga handog ay nakikiisa sa ginagawa sa dambana? Ano ang ibig kong sabihin? Sinasabi ko bang may kabuluhan ang diyus-diyusan o ang pagkaing inihandog sa mga diyus-diyusan? Hindi! Ang ibig kong sabihin, ang mga pagano’y naghahandog ng kanilang hain sa mga demonyo, hindi sa Diyos, at ayaw kong maging kaisa kayo ng mga demonyo. Hindi kayo makaiinom sa kalis ng Panginoon at sa kalis ng mga demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon at sa dulang ng mga demonyo. Ibig ba nating manibugho ang Panginoon? Sa palagay ba ninyo’y may makapangyarihan tayo kaysa sa kanya?

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 12-13. 17-18
Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod.

MABUTING BALITA
Lucas 6, 43-49
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag. Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib.
“Tinatawag ninyo ako ‘Panginoon, Panginoon,’ ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi ko. Ipakikilala ko sa inyo kung kanino natutulad ang bawat lumalapit sa akin, nakikinig ng aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito. Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at sa pundasyong bato nagtayo ng bahay. Bumaha, at ang tubig ay bumugso sa bahay na iyon, ngunit hindi natinag, sapagkat matatag ang pagkakatayo. Ngunit ang nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Bumaha, nadaanan ng tubig ang bahay na iyon at pagdaka’y bumagsak. Lubusang nawasak ang bahay na iyon!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Sabado po sa ating lahat! Ano ang pagpapakatotoo? Ano ang pagiging matapat? Sa ating pagiging Katoliko, walang puwersahang nagaganap. Ang mga alintutunin sa Simbahan ay hindi pinipilit sa atin subalit tinatawag tayong maging matapat sa mga ito. May sinumpaan tayong mga pangako bilang mga Katoliko noong tayo ay sanggol pa lamang at ang mga magulang, ninong at ninang ang may katungkulang magpaalala at magturo ng mga sinumpaan na ito kung paano gagampanan. Ang mga batas at alituntunin na base sa turo ni Jesus ay hindi ginagamit upang tayo ay husgahan, subalit darating ang panahon na tayo ay huhusgahan ng Panginoon batay dito.

Sinabi ni Jesus, gawin natin ang sinasabi Niya. Gawin dapat natin ang nararapat na ating gawin – ang mabuti, hindi ang masama sa kapwa. Sa isip, sa salita at sa gawa, dapat lahat ay mabuti. Ang sumunod sa Diyos ay hindi babagsak kahit anong mangyari. Magiging matibay siya sa lahat ng oras kahit makaranas ng problema. Ganito rin ba tayo? Sapagkat sino o ano ba ang ating kinakapitan? Diyos nga ba? Kung tayo lang, madali tayong mangangamba. Subalit kung sa Diyos nanggaling ang direksyon ng ating buhay, makakaasa tayong magiging maganda ang bawat kahinatnan kahit hindi man maganda ang daanan. Amen. +
Pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margarette DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Tulungan ninyo po kaming ipahayag ang Salita ng Diyos! Salamat po and God bless!

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Malinaw na mga Mata”

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Malinaw na mga Mata”

Setyembre 11, 2020. Biyernes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon.

UNANG PAGBASA
1 Corinto 9, 16-19. 22b-27
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, hindi ngayo’t nangangaral ako ng Mabuting Balita ay maaari na akong magmalaki. Iyan ang tungkuling iniatang sa akin. Sa aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita! Kung ginagawa ko ito sa sarili kong kalooban, ako’y may gantimpalang hihintayin; ngunit ginagawa ko ito bilang pagtupad sa tungkulin sapagkat ito’y ipinagkatiwala sa akin. Ano ngayon ang aking gantimpala? Ang maipangaral ko nang walang bayad ang Mabuting Balita at ang di ko pagkuha ng nauukol sa akin bilang tagapangaral.
Malaya ako at di alipin ninuman; ngunit napaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako na lalong marami. Ako’y nakibagay sa lahat ng tao upang ang ilan man lamang ay mailigtas ko, kahit sa anong paraan.

Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Mabuting Balita, upang makibahagi ako sa mga pagpapala nito. Alam ninyo na ang mga kasali sa takbuhan ay tumatakbong lahat, ngunit isa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala. Lahat ng manlalarong nagsasanay ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang putong na panandalian lamang, ngunit ang putong na hinahangad natin ay panghabang panahon. Kaya ako’y tumatakbo patungo sa isang tiyak na hangganan; at hindi ako sumusuntok sa hangin. Pinahihirapan ko ang aking katawan at sinusupil ang sarili, baka pagkatapos kong mangaral sa iba ay ako naman ang itakwil.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12
Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan.

MABUTING BALITA
Lucas 6, 39-42
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad nang patalinghaga: “Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun. Walang alagad na higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siya’y magiging katulad ng kanyang guro.

“Ang tinitingnan mo’y ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahila sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo’y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Biyernes po sa ating lahat! Kadalasan kapag may nangyayaring hindi maganda ay hindi agad tayo tumitingin sa ating sarili. Inuuna nating tumingin sa ginawa ng iba, o sa panlabas na dahilan liban sa ating sarili. Ano ang nangyayari kung ganito? Naghahanap tayo nang masisisi na hindi natin kontrolado at tayo ay hindi natututo. Sabi ng Panginoon ngayon ay unahin muna nating tanggalin ang tila napakalaking puwing sa ating mata, bago nating tingnan ang ating kapatid at punain.

Unahin nating magnilay sa ating sarili kung ano ang ating papel na ginagampanan at ano ang ating kakulangan. Matapos nito ay saka natin isipin ang mga panlabas na hindi magandang nangyari. Sa ganitong paraan, kapwa tayong lalago at matututo. Hindi natin ibinibintang sa iba lamang ang hindi magandang nangyari. Inaako natin ang pagkakamali at responsibilidad. Matututo tayo at maari natin itong gawin uli nang maayos sa susunod. Kung patuloy tayong titingin sa iba, nang hindi tumitingin sa sarili, hindi tayo matututo. Magiging sobra tayong dismayado at pilit na gustong ibahin ang iba, habang ang loob natin ay parehong walang pagbabago at lalong lumalala.

Gusto ng Panginoon na tayo rin ay matuto. Lumago sa pagpapasensiya, pag-unawa, pag-intindi sa kapwa. Dito tayo mas magiging banal at kalugud-lugod sa Kanya. Nagagawa ito ng pusong mababa ang loob na handang maghintay at umako ng pagkakamali kung mayroon. Nang sa gayon ang kababaang loob na ito ang magpapalinaw sa ating paningin upang makita ang kalooban at karunungan ng Diyos. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margarette DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Tulungan ninyo po kaming ipahayag ang Salita ng Diyos! Salamat po and God bless!

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Pag-ibig Para sa Lahat”

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Pag-ibig Para sa Lahat”

Setyembre 10, 2020. Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon.

UNANG PAGBASA
1 Corinto 8, 1b-7. 11-13
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, alam nating “may kaalaman tayong lahat.” Ang gayong “kaalaman” ay nagbubunsod sa tao upang magpalalo, ngunit ang pag-ibig ay nakapagpapatibay. Ang nag-aakalang may nalalaman siya ay hindi pa nakakaalam ng dapat niyang malaman. Ngunit kilala ng Diyos ang umiibig sa kanya.

Tungkol nga sa pagkaing inihandog sa diyus-diyusan, alam nating “walang kabuluhan ang mga diyus-diyusan,” at “iisa lamang ang Diyos.” Bagamat may sinasabing mga diyos sa langit o sa lupa, at maraming tinatawag na “mga diyos” at “mga panginoon,” sa ganang akin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo’y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Hesukristo, at sa pamamagitan niya’y nilikha ang lahat ng bagay at sa pamamagitan din niya’y nabubuhay tayo.

Subalit hindi lahat ay nakaaalam nito. May ilang nahirati sa pagsamba sa diyus-diyusan, kaya’t hanggang ngayon, kapag kumakain sila ng ganitong pagkain, ang akala nila’y handog pa rin sa diyus-diyusan ang kanilang kaalaman, nababagabag ang kanilang kalooban sa pag-aakalang sila’y nagkakasala.

Kaya’t dahil sa inyong “kaalaman” ay napapahamak ang kapatid ninyong mahina pa at naging dahilan din ng kamatayan ni Kristo. Sa gayun, nagkakasala kayo kay Kristo sapagkat ibinunsod ninyo sa pagkakasala ang inyong kapatid at itinanim sa kanyang isipan ang maling paniniwala. Kaya’t kung dahil sa pagkain ay magkakasala ang aking kapatid, hindi na ako kakain ng karne upang di siya magkasala.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24
Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan.

MABUTING BALITA
Lucas 6, 27-38
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo, mga nakikinig: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo ring ang kabila. Kapag inaagaw ang iyong balabal, ibigay mo pati ang iyong baro. Bigyan mo ang bawat nanghihingi sa iyo: at kung may kumuha sa iyong ari-arian ay huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. Gawin ninyo sa iba ang ibig ninyong gawin nila sa inyo.

“Kung ang iibigin lamang ninyo ang mga umiibig sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila. At kung ang gagawan lamang ninyo ng mabuti ang gumagawa sa inyo ng mabuti, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay gumagawa rin nito! Kung ang pahihiramin lamang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makababayad sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa mga makasalanan sa pag-asang ang mga ito’y makababayad! Sa halip, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at gawan ninyo sila ng mabuti. Magpahiram kayo, na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayun, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo’y magiging mga anak ng Kataas-taasan. Sapagkat siya’y mabuti sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama.”

“Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapwa, at patatawarin kayo ng Diyos. Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Huwebes po sa ating lahat! Paano ba mamuhay bilang isang Kristiyano? Kadalasan kasi iba ang sinasabi ng mundo sa sinasabi ni Jesus. Minsan ay iba rin ang gusto ng ating sarili sa dapat nating gawin. Ang natural ng tao ay ganito – minamahal natin ang mababait at mabuti sa atin. Ang mga hindi naman ay ating kinasusuklaman. Subalit ngayon sinabi ni Jesus nang malinaw na pati ang mga kaaway ay ibigin. Napakahirap nga naman. Subalit hindi imposible. Magagawa natin ito sa tulong ng Panginoon; kailangan lamang natin itong gustuhin at maging bukas sa Kanya at sa pag-ibig sa kapwa kahit pa masama.

Sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ganito – minamahal Niya tayo kahit tayo ay makasalanan. Kung gayon, ganito rin dapat ang isang Kristiyano. Hindi nag-iipon ng sama ng loob, at hindi nanghuhusga ng kapwa. Bagkus, ay nakatuon lamang ang sarili sa paggawa ng mabuti. Binubuhos ang lakas sa kung paano makatutulong sa kapwa, o kung ano ang solusyon na maaring maibigay sa sosyedad. Kahit pa ang mga tao ay patuloy na masama o nagkakasala sa atin, hindi nito nalalason ang ating mga puso upang maging masama rin at magkaroon ng hinanakit. Sapagkat alam nating ang Diyos ay may awa, lubos ang Kanyang habag subalit payak din ang Kanyang hustisya. Nasa atin naman ang trabahong magpakumbaba at gumawa ng mabuti; ang magpatawad gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa atin. Bilang mga Kristiyano ay tinatawag tayong magmahal ng lahat ng tao, gaya ng pag-ibig ng Diyos sa krus na para sa lahat, at walang pinipiling tao. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margarette DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Tulungan ninyo po kaming ipahayag ang Salita ng Diyos! Salamat po and God bless!

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Mapapalad sa Mata ng Diyos”

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Mapapalad sa Mata ng Diyos”

Setyembre 9, 2020. Miyerkules ng Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon.

UNANG PAGBASA
1 Corinto 7, 25-31
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, tungkol naman sa mga walang asawa, wala akong maibibigay na utos mula sa Panginoon. Ngunit bilang isang taong mapagkakatiwalaan dahil sa habag sa akin ng Panginoon, magbibigay ako ng aking kuru-kuro.
Dahil sa matinding kahirapan sa kasalukuyan, inaakala kong mabuti pa sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan. Ikaw ba’y may asawa na? Huwag kang makipaghiwalay. Wala ka pa bang asawa? Huwag mong hangaring magkaasawa. Kung ikaw ay mag-asawa, hindi ka nagkakasala, at kung ang isang dalaga’y mag-asawa, hindi siya nagkakasala. Ngunit magdaranas sila ng mga kahirapan sa buhay na ito, at iyan ang ibig kong maiwasan ninyo.

Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: malapit na ang takdang panahon, kaya’t mula ngayon, ang may-asawa’y mamuhay na parang walang asawa; ang mga nananangis, na parang di nananangis; ang mga nagagalak, na parang di nagagalak; ang mga namimili, na parang walang ari-arian, at ang mga nagtatamasa sa sanlibutang ito, na parang di nila ito alintana. Sapagkat ang lahat ng bagay sa daigdig na ito’y mapaparam.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17
O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin.

MABUTING BALITA
Lucas 6, 20-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, tumingin si Hesus sa mga alagad, at kanyang sinabi,
“Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!”
“Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo’y bubusigin!”
“Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo’y magagalak!”
“Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo’y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito’y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit — gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.”

“Ngunit sa ba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!”
“Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo’y magugutom!”
“Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo’y magdadalamhati at magsisitangis!”
“Sa aba ninyo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Miyerkules po sa ating lahat! Tila yata baliktad ang mga sinasabi ni Jesus at sinasabi ng mundo. Sinasabi ng mundo na ang mga mapapalad ay ang mga sinasabi ni Jesus na mga aba. Ngunit ang mga nagugutom, tumatangis, dukha at ang mga ipinagtatabuyan pa ang mapalad. Paano nangyari ito? Ipinapahayag ni Jesus ang hustisya ng Diyos. Kahit tayo man ay magutom, magdusa, maging dukha sa buhay na ito, may gantimpalang nag-aabang sa atin kung hindi man natin matanggap dito ay sa kabilang buhay. Ang Diyos ay malapit sa mga naghihirap at nagdurusa. Kung sana lamang ay tumutulong ang may kakayanan, mas maipapahayag ng Diyos sa pamamagitan ng tao ang Kanyang habag at awa. Subalit ang mga taong tinutukoy ni Jesus sa ikalawang talata ay ang mga mayayaman, busog, at nagsisitawa – kung hindi nila naggawa ang kanilang dapat gawin upang ipaglaban ang hustisya ay magdadalamhati rin sila. Ang misyon ng mga maayos ang buhay ay tumulong sa mga nangangailangan sapagkat sila ay biniyayaan ng sobra upang makatulong din sa ilan na walang wala. Ngunit dahil hindi sila nahabag, nagsaya at nagpakabusog lamang , darating ang araw na sila ay ang maghihirap. Wala silang matatanggap na gantimpala sa langit.

Ang Panginoon ay puno ng awa ngunit Siya rin ang Diyos ng Katarungan. Hindi natatapos sa paghihirap lamang ang mga dinaranas sa lupa. Bagkus, ang mga tumatalima sa Kanya ay magkakaroon ng katapusan sa problema at gantimpala pa sa susunod. Kung gusto nating maging malapit sa Panginoon, magkaroon nawa tayo ng pusong dukha na laging hinahanap at pinahahalagahan ang Diyos hindi ang mga materyal na bagay. Kung ang paghihirap sa lupa ay nagbubunga ng kasaganaan sa trabaho, paano naman kaya ang paghihirap kasama ang Diyos? Mamumunga ito at sasagana. Hayaan nating samahan tayo ng Panginoon sa ating mga paghihirap. Maniwala tayong nariyan Siya at may plano Siya kahit hindi na natin maunawaan ang nangyayari. Nang sa gayon ay makita natin ang liwanag sa dulo ng madilim na daan. Siya mismo ang mag-aakay sa atin. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margaret DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Tulungan ninyo po kaming ipahayag ang Salita ng Diyos! Salamat po and God bless!

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Kahalagahan ni Maria”

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Kahalagahan ni Maria”

Setyembre 8, 2020. Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria.

UNANG PAGBASA
Mikas 5, 1-4a
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
Betlehem Efrata, bagamat pinakamaliit ka sa mga angkan ni Juda ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula’y buhat pa nang una, mula pa noong unang panahon. Kaya nga, ang bayan ng Panginoon ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na maghahari. Pagkatapos, babalik sa Israel ang nalabi sa bansang ito. Pagdating ng haring yaon, pamamahalaan niya ang Israel sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoong na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay na ligtas, sapagkat ang haring yaon ay kikilanin ng buong sanlibutan. Sa kanya magmumula ang kapayapaan natin.
Ang Salita ng Diyos.

o kaya: Roma 8, 28-30
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito’y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayun, naging panganay natin siya. At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 12, 6ab. 6kd
Ang lubos kong kasiyahan ay magalak sa Maykapal.

MABUTING BALITA
Mateo 1, 1-16. 18-23
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ito ang lahi ni Hesukristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.
Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni Haring David.

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya namang ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama naman ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ang kanyang mga kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.
Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Joconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eluid ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo.

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria ang kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanyang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglighi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:
“Maglilihi ang isang dalaga’t manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel.” Ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Mateo 1, 18-23
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria ang kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanyang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:
“Maglilihi ang isang dalaga’t manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel.” Ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Pagninilay (hango sa ikalawang Ebanghelyo):

Maligayang Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria! Bakit mahalaga rin na maalala natin ang kapanganakan ng ating ina? Siya ang madaling araw na hudyat ng pagsikat ng ating Araw na ‘di lumulubog na si Jesu Kristo. Si Maria ang hudyat ng pangakong natupad ng Panginoon mula pa noong una na siya at ang kanyang Anak ay ang dudurog sa ulo ng ahas na kilala rin bilang si satanas o ang diablo. Ang pangakong ito ay hindi lamang para kay Maria. Kung hindi para sa ating lahat. Nilikha ng Diyos si Maria, hinanda siya, mula pa sa sinapupupunan nang walang sala o bahid nito upang maging karapat-dapat na ina ng Diyos. Dahil ito sa nakinitang merito ng kanyang magiging Anak na si Jesus. Kaya naman ang buong buhay ni Maria ay para kay Jesus at para sa lahat. Nilikha siya ng Diyos para sa lahat gaya ng Kanyang anak na si Jesus. At ang kanyang buong pagkatao na punung puno ng grasya ay ibinabahagi rin niya sa ating lahat bilang ina ni Jesus at ina nating lahat. Bakit? Himdi ba’t tayong mga bininyagang Katoliko ay katawan ni Cristo? Oo, tayo ang Kanyang katawan at Siya ang ating ulo, ang ating Lider.

Bahagi lamang tayo ng iisang katawan ni Cristo. At sino ang ina ni Jesus? Hindi ba’t si Maria? Kung hindi ninyo pa natatanggap nang lubos ang inyong ina sa langit at ang katotohanang ito, panahon nang magnilay ngayon. Hindi tayo mga ulila, may ina tayo sa langit na hangad ang pinakamabuti sa atin. Siya ay laging nananalangin sa atin nang walang tigil. Kung ang panalangin ng ibang hamak na tao lang at makasalanan pa ay mahalaga na, paano pa kaya ang walang bahid ng sala at ina pa ng Diyos? Kung wala pa tayong debosyon kay Maria, simulan na natin ngayon sa kahit anong paraan.

Basta magsimula lamang tayo at makikita nating tunay na si Maria ang mag-aakay sa atin kay Jesus. Mas madaling paraan, sa pamamagitan niya na pinakalubos na malapit kay Jesus. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margaret DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Tulungan ninyo po kaming ipahayag ang Salita ng Diyos! Salamat po and God bless!


ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Paggawa ng Mabuti”

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Paggawa ng Mabuti”

Setyembre 7, 2020. Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon.

UNANG PAGBASA
1 Corinto 5, 1-8
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, nakarating sa akin ang di mapag-aalinlangang balita na napakasama ng ginagawa ng isa sa inyo – kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit ang mga pagano’y di gumagawa ng ganyang kahalayan. At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana’y mahiya kayo at tumangis, at itiwalag ang gumagawa nito! Bagamat wala ako riyan sa katawan, nariyan naman ako sa espiritu, kaya’t parang nariyan din ako. Dahil dito, ang gumagawa niyan ay hinahatulan ko na sa ngalan ng Panginoong Hesus. Ako’y kasama ninyo sa espiritu sa inyong pagtitipon. At sa kapangyarihan ng ating Panginoong Hesus, ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyang upang mapahamak ang kanyang katawan at nang maligtas ang kanyang espiritu sa Araw ng Panginoon.

Hindi kayo dapat magpalalo. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napaaalsa ng kaunting lebadura ang buong masa”? Alisin ninyo ang lumang lebadura, ang kasalanan, upang kayo’y maging malinis. Sa gayun, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang lebadura – at ganyan nga kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskuwa – si Kristo. Kaya’t ipagdiwang natin ang Paskuwa, ngunit hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang lebadura ng kasamaan at kahalayan, kundi sa pamamagitan ng tinapay na walang lebadura, sagisag ng kalinisan at katapatan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 5, 5-6. 7. 12
Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan.

MABUTING BALITA
Lucas 6, 6-11
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Isang Araw ng Pamamahinga, muling pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lakaki roong tuyot ang kanang kamay. Sa hangad ng mga eskriba at mga Pariseo na maparatangan si Hesus, nagbantay sila upang tingnan kung siya’y magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga. Subalit batid ni Hesus ang kanilang mga iniisip, kaya’t sinabi niya sa lalaking tuyot ang kamay, “Halika rito sa unahan.” Lumapit naman ang lalaki at tumayo roon. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Tatanungin ko kayo. Alin ba ang ayon sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Magligtas ng buhay o pumatay?” Tiningnan ni Hesus ang nasa palibot niya at sinabi sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay!” Iniunat nga niya ang kanyang kamay at ito’y gumaling. Nagngitngitngit sa galit ang mga eskriba at ang mga Pariseo, at pinag-usapan nila kung ano ang dapat gawin kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Lunes po sa ating lahat! Natunghayan na naman natin ang mga eskriba at Pariseo na lubhang mapanghusga kay Jesus. Wala naman ginawa ang Panginoon kung hindi ang mabuti, subalit pilit nilang hinahanapan ng mali at pinararatangan ng masama. Subalit ang Panginoon naman ay hindi nagpatinag. Tuloy tuloy pa rin Siyang gumawa ng mabuti. Noong tiningnan Niya ang mga tao sa paligid ay tiningnan Niya ito nang may mensahe sa Kanyang mga mata para sa mga taong tila hindi nahahabag.

Walang nakapigil kay Jesus na gawin ang tama at mabuti sa gitna ng oposisyon. Kahit pa pintasan Siya ng ibang tao ay hini Niya alintana ito at hindi rin Niya kailangan ng papuri. Tayo kaya, ano ang kaya nating kalabanin sa ngalan ng kabutihan? Makakaya ba nating labanan ang mga pagsubok para makatulong sa iba? Gaano kahalaga sa atin ang pagtulong sa ibang tao? Kung tayo kaya ang naghihirap, hindi ba’t lubos din natin kailangan ang tulong ng iba? At gaano na lang din tayo makakapagpasalamat sa taong tumutulong sa atin sa gitna ng sitwasyon ngayon? Nawa ay manaig pa rin sa atin ang pagiging mabuti at paggawa ng mabuti kahit may mga pagsubok na dapat kaharapin. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margaret DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Tulungan ninyo po kaming ipahayag ang Salita ng Diyos! Salamat po and God bless!

ANG MABUTING BALITA TUWING LINGGO: “Pakikipagkasundo sa Kapwa”

ANG MABUTING BALITA TUWING LINGGO: “Pakikipagkasundo sa Kapwa”

Setyembre 6, 2020. Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon.

UNANG PAGBASA
Ezekiel 33, 7-9

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel
Ito ang sinasabi ng Panginoon:
“Ikaw, Tao, ang ginagawa kong bantay ng Israel; anumang marinig mo sa akin ay sabihin mo sa kanila bilang babala. Kapag sinabi ko sa taong masama na siya’y mamamatay at di mo ito ipinaabot sa kanya upang makapagbagong-buhay, mamamatay nga siya sa kanyang kasamaan ngunit pananagutan mo ang kanyang kamatayan. Ngunit kapag binabalaan mo ang masama gayunma’y hindi rin nagbagong-buhay, mamamatay siyang makasalanan ngunit wala kang dapat panagutan.”
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9
Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 13, 8-10
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, liban sa saguting tayo’y mag-ibigan; sapagkat ang umiibig sa kapwa ay nakatutupad sa kautusan. Ang mga utos, gaya ng, “Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mag-iimbot,” at ang alinmang utos na tulad ng mga ito ay nabubuo sa ganitong pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya’t ang pag-ibig ang kabuuan ng kautusan.
Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Mateo 18, 15-20
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama. Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo ito sa pagtitipon ng simbahan. At kung hindi pa siya makinig sa natitipong simbahan, ituring mo siyang Hentil o isang publikano.

Sinasabi ko sa inyo: anumang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at anumang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.
Sinasabi ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo rito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Linggo po sa ating lahat! Ngayon po ay natunghayan natin ang pangangaral ni Jesus tungkol sa pagkakasundo o “reconciliation” sa wikang Ingles. Sabi po ni Jesus ay dapat kakausapin ang kapatid ng masinsinan. Hindi na mahalaga kung sino ang may mali o sino ang tama sa umpisa. Ang mahalaga ay makapag-usap ang nakasakit at ang nasaktan. Magandang makapagbigay ng saloobin ang taong nasaktan at mapakinggan ito ng taong nakasakit. Ang taong nasaktan ay maaring mag-anyaya upang makipag-usap sa taong nakasakit sa kanya sapagkat may responsibilidad din siya na ipaalam sa taong ito na siya ay nagkamali sa kanya. Nang sa gayon, ang tao na nakasakit ay magkaroon ng oportunidad upang malaman ang kanyang sala at makapagbago. Gaya ng nakita natin sa unang pagbasa mula sa aklat ni Propeta Ezekiel.

Madalas kasi hinihintay pa natin ang may sala na lumapit sa atin, ngunit madalas ito ay bunga ng pagmamataas o “pride”. Minsan naman kahit tayo ang nagkasala, dahil din sa katigasan ng loob at parehong pagmamataas ay ayaw ding humingi ng tawad. Tandaan natin na kung nakasakit tayo ng kapwa ay nakasakit din tayo sa Diyos. May responsibilidad tayong humingi ng tawad at magpatawad ayon sa utos ng Diyos at sa tamang panahon na kung saan ay handa na rin tayo. Hindi tayo pinipilit kung hindi handa. Ngunit sa paghahanda at paghihintay ay dapat tayong manatili sa dasal upang magkaroon ng sapat na lakas ng loob – “courage” at kababaang loob – “humility” para harapin ang mga bagay na ito. Nang sa gayon, makatagpo tayo ng kapayapaan sa Diyos at sa kapwa natin. Kung sakaling hindi makinig at hindi magbago ang isang tao ay hindi na natin pasan ang responsibilidad na ito.

Ang obligasyon lamang natin ay ipaalam sa tao na iyon kung saan siya nakasakit o nagkamali. Ito ay ginagawa mula sa pagmamalasakit at pagmamahal, upang maitama rin ng taong ito ang kanyang mali para sa kanyang sarili. Sa ating sariling panahon, sa tulong ng Diyos at sa Kanyang gabay. Dahil ito ay sadyang mahirap, hindi natin kaya ito nang wala ang Diyos at kung tayo lang. Sapagkat madalas tayong matalo ng mataas na emosyon, galit o pagmamataas. Kaya naman ito na ang ikalawang hakbang. Ang una ay ang pagpapatawad na kinakailangan din ng panahon. Magkaiba ang pagpapatawad (forgiveness) at ang pakikipagkasundo (reconciliation). Kailangan talaga ng oras at panahon upang pahupain ang mga matataas na emosyon saka maaring mag-isip nang tama kung ano ang nais sabihin sa kapatid. Sinusuri muna natin sa pananalangin ang nangyari at sitwasyon upang magkaroon ng karunungan na galing sa Diyos. Saka kakausapin ang kapatid – puso sa puso. Ginagawa ang lahat ng ito kasama ng Diyos at sa Kanyang presensiya.

Maganda kung makakapagpatawad muna tayo ng kapwa para maging handa na kausapin ang tao na ito. Ginagawa naman ito sa presensiya ng Diyos kahit wala at hindi pa nakikipagkasundo sa isa. Ibig sabihin nito ay pinapalaya natin siya sa mga “utang” o sala na nagawa nila sa atin. Hindi dahil pinapatakas sila sa kanilang ginawa, ngunit dahil tayo rin ay nagkakasala, at nagtitiwala tayong may paraan ang Diyos. Bibigyan Niya tayo ng Kanyang karunungan sa nangyari kung bukas na tayo. Handa naman ang Diyos na maghintay sa atin. Ang mahalaga ay bukas tayo at gumagawa tayo ng hakbang tungo dito sa tama. Ang mahalaga ay kahit mukhang hindi pa natin kaya sa ngayon, gusto natin at bukas tayong sumunod sa gabay ng Diyos. Sabihin natin sa Kanya ngayon ang ating narararamdaman ukol sa mga taong nakasakit o nasaktan natin. May paraan ang Diyos, at ang Kanyang Salita ang ating magiging mapa sa daan ng tunay na pagpapatawad at pakikipagkasundo. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margaret DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Tulungan ninyo po kaming ipahayag ang Salita ng Diyos! Salamat po and God bless!

THE GOSPEL REFLECTIONS TODAY: “Mercy and Compassion Above All”

THE GOSPEL REFLECTIONS TODAY: “Mercy and Compassion Above All”

September 5, 2020. Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time.

Reading 1
1 COR 4:6b-15

Brothers and sisters:
Learn from myself and Apollos not to go beyond what is written,
so that none of you will be inflated with pride
in favor of one person over against another.
Who confers distinction upon you?
What do you possess that you have not received?
But if you have received it,
why are you boasting as if you did not receive it?
You are already satisfied; you have already grown rich;
you have become kings without us!

Indeed, I wish that you had become kings,
so that we also might become kings with you.
For as I see it, God has exhibited us Apostles as the last of all,
like people sentenced to death,
since we have become a spectacle to the world,
to angels and men alike.
We are fools on Christ’s account, but you are wise in Christ;
we are weak, but you are strong;
you are held in honor, but we in disrepute.
To this very hour we go hungry and thirsty,
we are poorly clad and roughly treated,
we wander about homeless and we toil, working with our own hands.

When ridiculed, we bless; when persecuted, we endure;
when slandered, we respond gently.
We have become like the world’s rubbish, the scum of all,
to this very moment.
I am writing you this not to shame you,
but to admonish you as my beloved children.
Even if you should have countless guides to Christ,
yet you do not have many fathers,
for I became your father in Christ Jesus through the Gospel.

Responsorial Psalm
PS 145:17-18, 19-20, 21
R. (18) The Lord is near to all who call upon him.

Gospel
LK 6:1-5
While Jesus was going through a field of grain on a sabbath,
his disciples were picking the heads of grain,
rubbing them in their hands, and eating them.
Some Pharisees said,
“Why are you doing what is unlawful on the sabbath?”
Jesus said to them in reply,
“Have you not read what David did
when he and those who were with him were hungry?
How he went into the house of God, took the bread of offering,
which only the priests could lawfully eat,
ate of it, and shared it with his companions?”
Then he said to them, “The Son of Man is lord of the sabbath.”

Reflections:

A blessed Saturday to all of us! The law was made for man, not man for law. In this time of adversity, what can we do to help? Because many other laws are in place today due to the pandemic. We are all afraid to go out. But there are still some heroes – medical or non-medical frontlines and volunteer works who choose to lay down their lives to serve others. What about people who need help? Jesus shares in our Gospel today that human need is greater than any law. Mercy and compassion are more important for the welfare of others. May we be able to think of a way to help others despite the many limitations of today’s world. If we can help even just a little, if not a group, just one or two people will do; may we still choose to help. Because this is God’s law – to love, to share food with others and to help others. There is no law that can surpass the law of love. Amen. +

God bless you!

Reflections by Frances Mary Margaret DJ

Readings Source: USCCB

Lectionary for Mass for Use in the Dioceses of the United States, second typical edition, Copyright © 2001, 1998, 1997, 1986, 1970 Confraternity of Christian Doctrine; Psalm refrain © 1968, 1981, 1997, International Committee on English in the Liturgy, Inc. All rights reserved. Neither this work nor any part of it may be reproduced, distributed, performed or displayed in any medium, including electronic or digital, without permission in writing from the copyright owner.

THE GOSPEL REFLECTIONS TODAY: “Mercy and Compassion Above All”

THE GOSPEL REFLECTIONS TODAY: “Mercy and Compassion Above All”

September 5, 2020. Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time.

Reading 1
1 COR 4:6b-15

Brothers and sisters:
Learn from myself and Apollos not to go beyond what is written,
so that none of you will be inflated with pride
in favor of one person over against another.
Who confers distinction upon you?
What do you possess that you have not received?
But if you have received it,
why are you boasting as if you did not receive it?
You are already satisfied; you have already grown rich;
you have become kings without us!

Indeed, I wish that you had become kings,
so that we also might become kings with you.
For as I see it, God has exhibited us Apostles as the last of all,
like people sentenced to death,
since we have become a spectacle to the world,
to angels and men alike.
We are fools on Christ’s account, but you are wise in Christ;
we are weak, but you are strong;
you are held in honor, but we in disrepute.
To this very hour we go hungry and thirsty,
we are poorly clad and roughly treated,
we wander about homeless and we toil, working with our own hands.

When ridiculed, we bless; when persecuted, we endure;
when slandered, we respond gently.
We have become like the world’s rubbish, the scum of all,
to this very moment.
I am writing you this not to shame you,
but to admonish you as my beloved children.
Even if you should have countless guides to Christ,
yet you do not have many fathers,
for I became your father in Christ Jesus through the Gospel.

Responsorial Psalm
PS 145:17-18, 19-20, 21
R. (18) The Lord is near to all who call upon him.

Gospel
LK 6:1-5
While Jesus was going through a field of grain on a sabbath,
his disciples were picking the heads of grain,
rubbing them in their hands, and eating them.
Some Pharisees said,
“Why are you doing what is unlawful on the sabbath?”
Jesus said to them in reply,
“Have you not read what David did
when he and those who were with him were hungry?
How he went into the house of God, took the bread of offering,
which only the priests could lawfully eat,
ate of it, and shared it with his companions?”
Then he said to them, “The Son of Man is lord of the sabbath.”

Reflections:

A blessed Saturday to all of us! The law was made for man, not man for law. In this time of adversity, what can we do to help? Because many other laws are in place today due to the pandemic. We are all afraid to go out. But there are still some heroes – medical or non-medical frontlines and volunteer works who choose to lay down their lives to serve others. What about people who need help? Jesus shares in our Gospel today that human need is greater than any law. Mercy and compassion are more important for the welfare of others. May we be able to think of a way to help others despite the many limitations of today’s world. If we can help even just a little, if not a group, just one or two people will do; may we still choose to help. Because this is God’s law – to love, to share food with others and to help others. There is no law that can surpass the law of love. Amen. +

God bless you!

Reflections by Frances Mary Margaret DJ

Readings Source: USCCB

Lectionary for Mass for Use in the Dioceses of the United States, second typical edition, Copyright © 2001, 1998, 1997, 1986, 1970 Confraternity of Christian Doctrine; Psalm refrain © 1968, 1981, 1997, International Committee on English in the Liturgy, Inc. All rights reserved. Neither this work nor any part of it may be reproduced, distributed, performed or displayed in any medium, including electronic or digital, without permission in writing from the copyright owner.