APPROACHING GOD – 1/19/23 (Thursday of the Second Week in Ordinary Time)

Mark 3:9–10
He told his disciples to have a boat ready for him because of the crowd, so that they would not crush him. He had cured many and, as a result, those who had diseases were pressing upon him to touch him.

For the full readings, click here:
https://bible.usccb.org/bible/readings/011923.cfm

Blessed Thursday! After many people became aware of the miracles of Jesus Christ, a multitude came to see Him. There were too many who looked for Jesus that our Lord told His disciples to have a boat ready for Him so that He would not be crushed. Those who came to Him did it because they wanted to be healed of their diseases. Although what we can see in the gospel reading is about physical illnesses, it also represents our spiritual illnesses. We were aware of how God transformed the saints, despite their sinful past, to the path of holiness. We may also see many people who have radical conversion of leaving their sinful and worldly lifestyle after their encounter with Christ to follow Him and glorify Him. God also speaks to our conscience about our sins and our need for His love and mercy. What will we do about these things? Will we imitate the people in the Scriptures by approaching Christ with great faith in Him? Though we may be discouraged by our sins, let’s remember that Jesus is a Merciful Savior. He is our Mediator who is patient with us and who desires for us to be united with Him. He wants our salvation and our healing.

At the same time, it’s important for us to reflect on what we have to do and change in our lives after approaching God. It’s good that we seek God in our prayer and ask for His help. It is right that we beg for His forgiveness and reflect on ourselves after committing sins. If we continuously fall to sins, even if small, or if we have engaged in a grave sin, God is waiting to cleanse our souls in the sacrament of confession. But, what do we do afterwards? Let’s remember that the reason why we should desire to approach God is because we want to do His will. Doing His will should be the delight of our hearts. This means that we should be firm in rejecting the temptation around us and in doing the resolutions for us to do what is right and pleasing to God. Just as a physically sick person should do better and avoid what causes his or her illnesses after being healed, we should also be on guard to the occasions of sins for us to be faithful to Christ. May we also pray, not just for ourselves, but for others and for the families that we may be able to forgive one another, approach God and reflect on how there can be healings amidst the division in our families. The positive change in our families begins with us when we allow Christ to change our lives. Let’s speak to our loving God who will heal us and who will direct our hearts to His will.

Amen +

Jesus, Mary, and Joseph, be with us always until the hour of our death. Amen. +

May the Lord + bless us, protect us from all evil and bring us to everlasting life. Amen. +

Reflection by: Dominic

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Imahe ni Hesus”

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Imahe ni Hesus”

Enero 19, 2023. Huwebes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon.

MABUTING BALITA
Marcos 3, 7-12
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, umalis si Hesus at ang kanyang mga alagad at nagpunta sa tabi ng lawa. Sinundan siya ng maraming taong buhat sa Galilea. Nagdatingan din naman ang napakaraming tao mula sa Judea, sa Jerusalem, sa Idumea, sa ibayo ng Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon nang mabalitaan nila ang lahat ng ginawa ni Hesus.

Nagpahanda si Hesus sa kanyang mga alagad ng isang bangkang magagamit niya, upang hindi siya maipit ng mga taong dumaragsa. Marami na siyang pinagaling, kaya’t pinagdumugan siya ng lahat ng maysakit upang mahipo man lamang nila.

Bawat inaalihan ng masamang espiritu na makakita sa kanya ay nagpapatirapa sa harapan niya at sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” At mahigpit silang pinagbawalan ni Hesus; ayaw niyang ipasabi kung sino siya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Full Readings: https://www.awitatpapuri.com/2023/01/19/huwebes-enero-19-2023/

Pagninilay:

Isang mapagpalang Huwebes po sa ating lahat! Tila nga nauulit ang mga taong dumaragsa tungo kay Hesus kahit sa panahon ngayon. Marami ang naniniwalang sa paghipo lamang sa Poong Hesus Nazareno, sila ay gagaling. Naniniwala tayong si Hesus ay umakyat na sa Langit at ang naririto ay ang Kanyang Banal na Dugo at Katawan sa anyo ng maliit na puting tinapay – ang Banal na Ostiya na nasa bawat tabernakulo ng bawat altar ng Simbahang Katolika. Si Hesus mismo ang ating tinatanggap tuwing Banal na Misa kaya dapat lamang na tayo’y malinis sa pamamagitan ng sakramento ng kumpisal at pag-iwas sa mga malulubhang pakakasala.

Subalit bukod sa Kanyang tunay na presensiya sa Banal na Eukaristiya, ang Kanyang imahe sa mga banal na poon, gaya ng Poong Hesus Nazareno, na inaalagaan ng mga Katoliko ay nakakatulong sa ating manalangin. Ito ay isang paalaala na si Hesus ay totoong nagkatawang-Tao, kaanyo natin. Mayroon din Siyang katawan, paa, kamay at mukha na gaya ng sa atin.

Madali tayong makalimot sa Diyos kaya kailangan natin ng magpapaalala sa atin lagi. Ang mga imahe ang nagpapaalala nito sa atin at tumutulong sa ating pananampalataya. Ganito na lamang ang halaga at tulong nito sa atin kaya pilit itong sinisira ng ibang sekta at ibang relihiyon na hindi buo ang pag-intindi sa katotohanan na inilahad ng Diyos sa nag-iisang Simbahang Kanyang itinatag – ang Simbahang Katolika.

Kapag ang mga sagradong imahe ay ating tinatanaw at hinahawakan, sinasariwa natin na para bang naririto si Hesus at kailangan natin iyon para makapokus sa pananalangin. Kumpara mo ito sa simpleng pader, sa puno, sa tabi ng kama, at sa kung anu-ano pang ordinaryong bagay na gamit ng ibang sekta sa pananalangin.

Hindi hamak na mas mahalaga at sagrado ang imahe ng Diyos na binasbasan ng Kanyang mga tunay na pari kaysa sa pader o dingding ng bahay. Kaya nga maraming mga himala na bagamat iyon ay imahe lamang ni Hesus ay nananatili pa ring banal o sagrado ito. Nakakapagpagaling pa rin ito at nakakagaan ng loob batay sa pananalig ng bawat isa. Ito’y sapagkat ang kapangyarihan ng Diyos ang tunay na nagpapagaling. Anumang naisin Niyang gamitin para sa paghilom na ito ay mangyayari. Ang kailangan lamang ay ang pananalig na kaya ng Diyos na magpagaling at ito ay magkakatotoo.

Ganito ang pananalig ng mga tao noon na hindi magkamayaw sa paglapit kay Hesus. Ganito rin magpasahanggang ngayon sa mga mananampalatayang naniniwalang kayang gawin ng Diyos ang lahat at walang sawa Niyang dinirinig ang panalanging nating mga makasalanan. Anumang kagandahan ng ating pananampalataya ay huwag hayaang sirain ng mga taong mali ang pagkakaintindi. Sa halip ay alagaan natin ito at panghawakan hanggang sa makita natin mukha sa Mukha ang Diyos sa kabilang buhay. Amen. +

Pagnilayan po natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Communications