THE TRUTH AND MERCY OF GOD – 1/20/23 (Friday of the Second Week in Ordinary Time)

THE TRUTH AND MERCY OF GOD – 1/20/23 (Friday of the Second Week in Ordinary Time)

Mark 3:13–15
And he went up on the mountain, and called to him those whom he desired; and they came to him. And he appointed twelve, to be with him, and to be sent out to preach and have authority to cast out demons.

For the full readings, click here:
https://bible.usccb.org/bible/readings/012023.cfm

Blessed Friday and blessed Memorial of Sts. Fabian and Sebastian! Jesus came to save us from our sins. Because of our fallen human nature, we have the inclination to commit sins and fall to the temptations of the devil. As such, to receive the gospel of Christ also means to deny the lies of the evil spirits. In today’s gospel reading, our Lord Jesus sent His 12 disciples to preach the gospel and cast out demons. Jesus was aware that many people led a sinful lifestyle, not just because of their own choices, but also because of the temptations of the evil one. As such, people needed to know the truth from Christ in order to reject the lies of the devil. This is true for us even today. God calls us to reflect on the gospel and be firm in our Catholic beliefs so that we may be protected by the grace of God when the time comes that we are tempted by the evil spirits to believe in false teachings or to commit sins. This is why Jesus is inspiring us to proclaim the truth in different ways as we ponder on what God specifically calls us to do. When we speak and help other people, we should make sure that what we are saying are not contrary to the gospel. It is also pleasing to God that we may use our social media and other means to share information about the gospel and our Catholic faith with the hope that through this, more people may be open to the voice of God in their hearts.

Before Jesus told His disciples to preach, it’s important for us to reflect on what He did first. He went up on the mountain and called the disciples. And, they came to Him. The mountain symbolizes holiness. Jesus is showing us that before we can be effective instruments of the gospel, we need to grow in our relationship with Him first. This is where the truth of God and His mercy meets. God wants to fill us first with His love for us to share His love with other people. Our proclamation of the gospel in our words will have lesser value if we do not have the desire to deepen our relationship first with Him. We may recognize that we are busy in our personal lives, but this does not mean that we have no time with God. Do we speak to God first after we wake up and before we sleep? Do we spend our free time with Him, even amidst our responsibilities, such us by reading the gospel, reflecting on our sins, praying the rosary, and other forms of prayer? May we not be afraid to trust in Jesus and love Him because His truth and mercy will protect us from the demons.

Amen +

Jesus, Mary, and Joseph, be with us always until the hour of our death. Amen. +

May the Lord + bless us, protect us from all evil and bring us to everlasting life. Amen. +

Reflection by: Dominic

Saint Fabian, Pope and Martyr—Optional Memorial:
https://mycatholic.life/saints/saints-of-the-liturgical-year/january-20-saint-fabian-pope-and-martyr/

Saint Sebastian, Martyr—Optional Memorial:
https://mycatholic.life/saints/saints-of-the-liturgical-year/january-20-saint-sebastian-martyr/

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pag-ibig ng Diyos”

Enero 20, 2023. Biyernes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon
o kaya Paggunita kay San Fabian, papa at martir
o kaya Paggunita kay San Sebastian, martir.

(Ang pagninilay po ay mababasa matapos ang mga pagbasa.)

UNANG PAGBASA
Hebreo 8, 6-13
Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, ang paglilingkod na ipinagkaloob kay Hesus ay higit na dakila kaysa ipinagkaloob sa kanila, yamang siya’y tagapamagitan ng isang tipang higit na mabuti, sapagkat nasasalig ito sa lalong mahahalagang bagay na ipinangako.

Kung walang kakulangan ang unang tipan, hindi na sana nangailangan ng pangalawa. Ngunit nakita ng Diyos ang pagkukulang ng kanyang bayan, kaya’t sinabi niya,
“Darating ang mga araw,
na ako’y makikipagtipan nang panibago sa bayang Israel
at sa angkan ng Juda,
Hindi tulad ng pakikipagtipan ko sa kanilang mga ninuno,
nang akayin ko sila mula sa Egipto.

Hindi sila naging tapat sa pakikipagtipan sa akin,
kaya’t sila’y pinabayaan ko.
Ito ang aking magiging tipan sa bayang Israel,
pagdating ng mga araw na iyon:
Itatanim ko sa kanilang isip ang aking mga utos,
at iuukit ko ang mga ito sa kanilang puso.
Ako ang magiging Diyos nila,
at sila nama’y magiging bayan ko.

Hindi na kakailanganing ituro ninuman sa kanyang kababayan,
O sabihin sa kanyang kapatid,
‘Kilalanin mo ang Panginoon.’
sapagkat Ako’y kikilalanin nilang lahat,
mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.
Sapagkat ipapatawad ko sa kanila ang kanilang mga kasalanan,
at lilimutin ko na ang kanilang mga kasamaan.”

Nang sabihin ng Diyos ang tungkol sa bagong tipan, pinawalan niya ng bisa ang una. At anumang nawawalan ng bisa at naluluma ay malapit nang mawala.
Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Marcos 3, 13-19
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa kaburulan, kasama ang kanyang mga pinili. Humirang siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral, at bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.

Ito ang labindalawang hinirang niya: si Simon na tinagurian niya ng Pedro; si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, sila’y tinagurian niyang Boanerges, na ibig sabihi’y mapupusok; sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, at Tadeo; si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo sa kanya.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Biyernes po sa ating lahat! Ang tungkol po sa mga banal na sina San Fabian at San Sebastian na ipinagdiriwang ngayong araw na ito ay mababasa matapos ang pagninilay na ito. Ang mga tinawag ni Hesus ay hindi mga perpektong tao. Madalas ang tao’y lumalayo sa Diyos at sa Simbahan dahil sa hiya. Hiya dahil sa pagkakasala at ang akala nila ay ayaw na nila ng Diyos at ng Simbahan. Ito’y napakalaking pagkakamali. Tinatawag ng Diyos ang lahat ng tao lalo ang mga pinakamakasalanan.

Hindi lamang Niya tinawag ang labindalawa ngunit tayong lahat na bumubuo sa Simbahan. Mas makasalanan ay mas tinatawag ng Diyos dahil ayaw na Niyang patagalin pa ang hidwaan na dulot ng kasalanan. Kumbaga sa nag-away, gusto Niyang maayos ito agad. Ang kasalanan natin ang nagdudulot ng hidwaan na ito sa pagitan natin at ng Diyos. Ang mga sakramento ng kumpisal at Banal na Misa ang maghihilom ng hidwaan na ito.

Para rito kaya nagkatawang-Tao si Hesus at kaya Niya tinawag ang mga naunang alagad. Sila’y upang magpahayag ng Mabuting Balita. Ang Mabuting Balita ay tungkol sa pag-ibig, awa, at pagpapatawad ng Diyos. Hindi ito tungkol sa mga taong perpekto na dahil wala pong ganoon maliban kay Hesus at Maria.

Maging ang mga apostol ay tinawag upang maging buhay na tagapagpatunay na maging sila na mga taong may kahinaan ay napatawad at napabanal ng Diyos bilang Kanyang mga alagad. Maliban na lamang kay Hudas Iskariote na hindi tumanggap ng awa ng Diyos at kinondena ang sarili sa pamamagitan ng pagbibigti.

Kaya naman, tayo ay maniwala sa awa ng Diyos at walang kasalanang pinakamabigat na hindi Niya kayang patawarin. Mas gusto ng ating Ama sa Langit na bumalik ang Kanyang mga anak na buhay kaysa sa patay dahil hindi Siya tulad ng kahit sinong ama sa mundo. Siya’y pinakamabuti at pinakamatiisin sa lahat. Siya mismo ang Awa at Pagmamahal. Amen. +

Tungkol kay San Fabian at San Sebastian: http://ourparishpriest.blogspot.com/2014/11/meet-saints-san-sebastian-at-san-fabian.html

Pagnilayan po natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Communications